EKSENA MO!!

Posted Mayo 2, 2008 by mardito
Categories: kawalang hiyaan...

medyo natagalan din ako bago nakapag post dahil sa sinumpong nanaman ako ng katams.. tsaka nwili rin ako sa paglalaro dahil inakala ko na makakatulong yon sa aking career pero wala lang… by the way, wag niyo na muna isipin ang mga pinagsusulat ko kagabi dahil napag tripan kong mag emo-emohan, nakakainspayr kasi si rosalinda nung isang gabi, kaya kanina lang, naisip ko na gawing tapic naman ang tungkol sa ating industriya pagdating sa pelikula pati na rin sa telebisyon.

pabagsak na nga raw talaga ang philippine movie industry dahil sa di ko malaman na dahilan na baka alam nila. sa tingin ko, natatabunan na sila ng mga foreign movies at kung ano ano pa. kung mai kukumpara dati, marami pang mga naglalabasang mga sine na kung ano ano, may bold, action, comedy, drama,horror at talk show( meron bang ganon). ang masasabi ko nga lang, natatalo na nga tayo ng mga taga ibang bansa pero wala pa ring tatalo sa mga pelikula natin dahil sa mga pamatay na linya at eksena.. para sa ating listahan ngayon, ilalahad ko ang mga karaniwang napapansin sa mga pelikulang pilipinoat ang mga linyang kadalasang naririnig rito…

PINOY TRADEMARK SCENES

1. merong dalawang nagmamahalan at hindi pumapayag ang magulang ng isa dahil mahirap pa siya sakin. KARANIWANG LINYA: ” o mahal ko.. di kita ipagpapalit sa aking libo libong lata ng ligo sardines at ipaglalaban kita sa nanay kong mas maganda pa sa pangit mong pagmumukha.”

2.may isang taong inalipusta at kinalbo ang balahibo. makalipas ang isang taon ay nanalo sa jueteng ang inalipusta at maghihiganti ng todo todo. KARANIWANG LINYA: ” mayaman na ko kaya di kayo invited sa aking engrandeng debut sa underground river!”

3. sino ba namang makakalimot sa eksenang umuwi ang anak sa bahay at nadatnang patay na ang ina dahil sa sobrabg dami ng nainom na tubig. KARANIWANG LINYA: “inay! inay! wag niyo kong iiwan! may dala pa naman akong pansit sayang baka mapanis kasi…..”

4. kinidnap si babae at ililigtas ni lalaki ang leading lady niyang malandi sa mga goons na may malahigad na bigote at mala “kill bill” na leather jackets.KARANIWANG LINYA: “sige! kunin mo ang asawa ko…. pupunitin ko naman ang jacket mo!”

5.nalaman ng anak na ampon lang siya at nagalit dahil hindi niya nalaman ito mula sa kanyang mga foster parents. KARANIWANG LINYA: “how dare you dare you do this to me! how dare you walk into my life and make me that i can be loved again(nosebleed)”

6.batang inaalipusta ng kanyang sisters at binuhusan ng muriatic acid dahil malasado ang pag kakalaga nito ng itlog. matapos ay inutus utusan parin kahit nakalabas na ang buto nito sa ilong KARANIWANG LINYA: ” dapat sayo yan.. ang sabi ko  sayo scrambled hindi malasado.”

7.babaeng sawang sawa na sa pang aalipusta ng kanyang asawa dahil daw sa may toyo ang niluto niyang adobo.KARANIWANG LINYA: ” pagod na pagod na ko sa kakahanap ng recipe ng adobong dilaw mo”

at siyampre hindi mawawala ang suyuan ng dalawang mag sing irog na nag hihiluran na ng buhok sa sobrang pag haplos

karaniwang sinasabi…….

BABAE: mahal ko…

LALAKI: mahal ko…

BABAE: o mahal ko…

LALAKI: oh mahal ko…

BABAE:   MAHAL KO!!!!

LALAKI: MAHAL KO!!!!

at natapos ang sine sa mga katagang hindi paulit ulit… hindi na sila nagpakasal at wala pang sampu ang nanood ng sine na ito na ginastusan ng 300 million dollars…

hahahaha :)

ang puto

Posted Mayo 1, 2008 by mardito
Categories: bawal basahin.. korni kasi...

nung may pasok pa ay kadalasan kaming walang teacher, ewan ko nga ba kung bakit di sila nagtuturo pero okey na yun,, ang ishe share ko naman ngayon ay yung kwento ng katabi ko na si ron. ang korni korni niya… hahaha ano ba talagang gagawin ko sa apat na piso?!!!!

ayon sa matatanda, mayroon daw na lugar na tinatawag na ika labing tatlong tulay, sabi nila sa oras na dumating ka roon, mayroong mangyayaring kahindik hindik.

nang mabalitaan to ng isang ispitista, sinubukan niyang magtungo doon upang malaman niya ang misteryo. sumakay sya sa isang jeep ngunit hintid lamang siya nito hanggang sa ika-walong tulay, hindi na raw tutuloy ang tsuper sapagkat baka may mangyari pang masama.

sumakay naman siya sa isang tricyle ngunit hinatid lamang siya hanggang sa ika-labing isang tulay sa parehong dahilan.

wala na siyang nagawa at naglakad na lamang siya, ng nasa bungad na siya ng ika labing tatlong tulay, mayroon siyang nakasalubong na matanda na may dala dalang basket. nilapitan niya ang matanda at tinanong.

LALAKI:ale, totoo ho ba ang tungkol sa tulay na ito?

MATANDA: mayroong mga nagsasabi….

LALAKI: ah eh.. ano ho iyang dala ninyo?

MATANDA: ito? puto.. bakit bibili ka?

LALAKI: o sige po.

nag patuloy na ang lalaki sa pag pasok sa ika labing tatlong tulay na nababalot na ng hamog.. maya maya, habang hindi pa nakaka alis ang matanda, ay narinig niyang sumigaw ang lalaki.

ANONG NANGYARI SA LALAKI?

paglingon ng matanda ay nakita niyang tumatakbo pabalik ang lalaki papunta sa kanya. at mukha itong namumutla at pawisan.

LALAKI: ale..!!!!!

MATANDA: bakit??!!!!

LALAKI: ……….. pengeng niyog!!!

hahaha.. ang korni..

ang isyu sa bigazz

Posted Mayo 1, 2008 by mardito
Categories: Uncategorized

kahit medyo late na ang pag post ko ng tungkol sa bigas, pinili ko pa rin to dahil marami akong experiences simula ng magtaas ang bigas na yan..

noong una, dedma lang kami ng nanay ko sa bigas bigas isyu na yan dahil hindi pa naman gaanong mahal at kinakaya pa naman ng powers namin ang makabili ng commercial rice. pero ng umangat na ang presyo ng bigas, wala na akong nagawa, since dalawa lang kami ng nanay ko sa bahay dati, alam ko na ako ang pipila for nfa rice dahil ang tanda tanda na ng nanay ko(joke lang 49 pa lang yun). tatlo ang nag iisue ng bigas sa palengke sa may samin at mag kaka iba sila ng oras ng pagiisue. sa first day, hindi ako pumila dahil kinontsaba ko yung classmate ko na anak ng may ari ng bigasan… hahaha naughty :-p . pati nung second day ganun din.

pero syempre meron din naman akong konting kahihiyan sa buhay no. pumila na ako at dinanas ang hirap ng pagiging mahirap… :(   sa una, mababadtrip ka sa haba ng pila pero kalaunan, dun ka na maiinis sa kakapalan ng mukha ng mga tao…. merong super singit, super harutan, murahan, bentahan, kantahan, sayawan, inuman, at chibugan.

mas mahirap rin pumila pag meron pang nagkakairingan, one time kasi, may nagsuntukan kasi daw naangasan lang, hellOOOOOOO?????? ganun na ba kababaw ang mga pilipino? nagsusuntukan para sa bigas…. kung sa bagay, gusto ko rin pumila ng bigas dahil pinapatos ko ang tatlong piso na sukli.. :-p

araw ng labor day..

Posted Mayo 1, 2008 by mardito
Categories: mga okasyon:)

bukod sa hirap hirap ako sa pagiisip ng pagkaing mabibili sa halagang apat na piso, naalala ko na labor day nga pala ngayon. hindi ko siya naramdaman dahil pumasok pa din ang mga kapatid ko sa trabaho. kapag labor day ang pinag uusapan, alam ko lang na walang pasok tsaka araw yun ng mga manggagawa pero di pa yun gaanong mahalaga sa kin dahil siyempre isa pa lang akong estudyante.

pero ang napapansin ko lang talaga, tuwing labor day ay maraming nagdadaos ng mga rally, pinaglalaban daw yung mga karapatan nilang mga manggagawa. hindi sa nang-aaway, sa tingin ko lang naman ay dapat di na yun ginagawa dahil wala naman silang napapala kundi pagod at pawis, pati yung mga mukha ng mga nanggigitatang pulis sumasambulat din sa kanila… buksan nalang nila ang mga mata nila na hellooooo??? kelan ba nagkaron ng labor day na bigla nalang tinaasan ng 100% ang sahod nila… ang aking suhestiyon, sana ay ini spend nalang nila ang time nila with their family of nagkakaroon ng tinatawag na WORKERS NIGHT OUT. kapag ganun magiging masaya pa ang mga manggagawa at tataas ang sales ng del monte spaghetti at san miguel beer…..

wala lang gutom lang…

my head!!!!!

Posted Mayo 1, 2008 by mardito
Categories: Uncategorized

hapon na wala pa kong nagagawang post for the day…. siguro, napaaga ang kain ko ng almusal at tanghalian,,, nine ako nag breakfast tapos sinundan ko na ng lunch ng ten thirty.. wala parin talaga akong maisp at natulog nalang muna dahil umulan ng pagkalakas lakas….

nitong mga bandang alas dos, wala ng ulan pero may manong na tumatawag sa labas, siyempre nabulabog ang lolo mo at binuksan ang pintuan, sa itsura, medyo nagduda ako dahil sa shades niyang malaki pa sa kamay ko at sa nakakakilabot niyang “good morning towel”. hinahanap niya ang ate ko, siyempre sasabihin ko ang totoo na nasa trabaho siya kahit labor day.

bumalik nalang ako sa loob ng bahay at binuksan ang computer.at naramdaman kop na siya…. s**t talaga, ang sakit ng ulo, at di ko alam kung bakit di kaya dahil sa manong kanina sa labas.? naghanap na lang ako ng makakain dahil baka sakaling maibsan ang aking sakit na nararamdaman, pero apat na piso na lang ang pera ko!!!

huhuhuhu… ano kayang mabibili sa apat na piso?? sabihin niyo nga…

korni ulit

Posted Abril 30, 2008 by mardito
Categories: Uncategorized

napansin niyo bang ang hilig ko sa salitang korni pero mali naman ang pagkaka-spell ko….

wala lang…

ito pa ang isa sa mga lagi kong naalala na joke mula na naman sa aking kapatid na si jojitah the divah… sana wag niyo kong patayin…

ANAK: inay! inay! si kuya nagbigti dun sa banyo!

(nagpunta ang mag-ina sa banyo ngunit wala namang nakita)

INAY: ikaw ah! wag ka ngang magsabi ng ganyan! hindi mo ba alam na masama ang magbiro ng mga tungkol don!!!!

ANAK:hehehe.. sorry nay! joke lang poh.. sa sala sa nagbigti : )

ang “TAGS”

Posted Abril 30, 2008 by mardito
Categories: Uncategorized

since ng mag gawa na ako ng blog, marami akong nababasa na mga tags…

“ano nga ba ang TAGS”

sa totoo lang, di ko siya alam, lagi lang akong may nakikitang ganon tsaka super dami talaga niya… sino kayang makakapagpaliwanag sakin ng tungkol dun??? sinong mabait???

pero sa ngayon, ito lang muna ang alam ko sa tags,,,

TAGS-ang mga ito ay yaong mga bagay na kadalasang nakikita sa mga tindahan kung saan      nakalagay ang presyo ng mga bilihin, ginagamit din upang lagyan ng barcodes at kung anoano pa gaya ng mga announcements,try me at kaskasan ng kamay para maamoy ang pabango..

nawa’y matulungan niyo ako sa aking problemang pampersonal…. pag marunong na ko non… pwede na ko mamatay!!!! hahahaha!! joke lang…

joke???

Posted Abril 30, 2008 by mardito
Categories: bawal basahin.. korni kasi...

sa pagkaka alam ko sa aking sarili,,, isa akong taong mahilig tumawa at magpatawa ng iba. mahilig akong magsabi ng kung ano ano na kakornihan… sa una, shy type lang talaga ako kasi hindi ko pa talaga kilala yung tao pero sa oras na magin komportable na ko sa kanya…. talo talo na toh…. hahaha.. minsan nga lang sa sobrang joke ko eh nakapag discriminate na ko.. but its okay, nasabi na ang dapat masabi… mahilig naman ako sa mga kakornihan at sa mga pambabara ng mga taong ayaw ko… at may ayaw sa ‘kin…(beware)  eto ang isang eksena mula sa makulay na buhay ni mardito….

KAKLASENG PIKON: ano ba!!! pwede ba tumigil ka na!! hindi mo ba alam na nakakasakit ka na ng damdamin ng iba?!!!!

MARDITO: (cool na cool) oo alam ko pero sakitin ka lang talaga…

(note: wag maniwala sa eksena dahil di ito totoo, maaaring sumama ang aking image sa industry)

at kung mga kakornihan lang din ay marami ako gaya nung mga salawikain na binago o should isay binaboy para sa kaligayahan…. here’s an example:

“its better to be late than later”

“aanhin mo ang ganda kung lalaki ka..”

“aanhin pa ang damo kung ang lupa ay sementado”

“dont judge the book by each other”

ilan palang yan sa mga nakakasukang joke… meron din kaming versions ng mga songs… konting bago lang ng lyrics ayos na…

part from the song noypi by bamboo:

“sabi nila may anting anting ako… pero di nila alam….. WALA!”

hay naku wala lang talaga akong mapag-gagawa sa buhay kasi wala akong ka chat sa ym…. buti na lang meron pa kong natitirang konting respeto sa sarili ko at nagagawa ko ang mga bagay bagay nato…

noodle revolution!

Posted Abril 30, 2008 by mardito
Categories: ano nga ba???

malapit ng mag hapon at wala pa rin akong ganong naiisip tungkol sa post ko for today.. bigla na lang pumasok sa utak ko ang tungkol sa mga noodles kasi ito ang inulam ko ngayong tanghali…. noodles din ang almusal at tanghalian ko kahapon pati nung isang araw, di pa rin talaga ako nagsasawa don at ewan ko ba kung bakit di pa rin ako napupurga…

nakatikim na ko ng maraming klase pero hindi naman lahat, ung mga available lang tsaka magaan sa bulsa, siyempre, wala pa naman akong trabaho eh.. meron din naman kaming karinderya sa bahay pero bakit kaya gusto ko pang kumain ng noodles… hmmmmmm… one time pa nga pinagalitan ako ng aking mother dear tungkol sa paglamon lamon ko ng mga instant noodles.. nakakabobo daw yun.. hellooo??? di naman ako naniniwala dun eh.. basta, ill eat what i want. at kung troubled ka sa pagpili ng mga instant noodles, pwede kitang tulungan..

MARDITO’S NOODLE REVIEW AS OF APRIL 30,2008

>lucky me instant mami: may mga flavors na chicken at beef that comes with their own spicy version. pwede na rin kasi eto na ang pinakamatinong mami na nakain ko. masarap siya with egg pero di kapani-paniwala ng nilagyan ito ng ingredients sa paggawa ng menudo sa commercial ni ogie alcasid. nag trip na nga ginawa pang commercial.. hay naku..

>lucky me instant pansit canton: instant noodle that has many flavors to choose from! ang ayoko lang dito ay mabilis tumaas ang presyo niya! imaginine niyo from 7.75 pesos ay naging 8.00 na!!! mahal na nga ang bigas nagmahal pa ang canton…. malaking bagay na ang 25 cents ngayon no.. hindi mabubuo ang piso pag walang benchingko.

>nissin’s yakisoba: masarap siya at tama naman ang pagkakapresyo.. pero sana naman, wag nilang panindigan na dehydrated na noodles ang kinakain mo dahil super dehydrated talaga ang dami niya!

>pista pansit ulam: eto ang aking noodle of the year dahil mura at masarap. faced out na nga lang ata. tsaka bawal to sa mga maarte kasi maitim talaga siya..

>japanese noodles(ramen): ang cup noodles na ito ay grabe.. wala na akong masabi.. wala kong nmasabi sa sarap, sa dami, sa design ng cup at mas lalong wala akong masabi sa presyo!!!!! san ka ba naman nakakita ng noodles na 100 pesos isa?!!! makakabili na ko ng tatlong bahay at lupa nun noh???

ahhh.. change topic naman.. malayo na ang narating ng pilipinas dahil sa noodle industry… dati kasi napanood ko sa balita na dahil sa sobrang hirap ng bansa, hindi na “gigi” or galunggong ang national food ng bansa natin,, napalitan na daw ng instant noodles…

hahaha nagugutom na naman ako….

comments of love…

Posted Abril 29, 2008 by mardito
Categories: Uncategorized

bago lang talaga ko dito sa blogging industry(naks industry! parang showbiz) kaya marami pang bago sa kin.. pero isa sa mga nakatawag ng pansin sa kin ay yung blog stats…. para akon gignorante pero nakakatuwa naman na natatally nila kung gano karami yung mga visits mo… nakaka taba ng heart kahit payat ako) kapag nakikita mong may mga bumisita sa site mo..

isa pa rin ay yung mga comments. di ko alam pero parang nag papalakpakan ang mga tenga ko sa ilong kapag may mga new comments akong nare receive… kahit ano basta nakakatuwa lang siya…. masaya kasing makilala ng mga hindi mo pa kilala at kilalanin mo pa sila lalo para magkakilanlan kayo…..

haaaayyyyy….. comment naman dyan

these advertisement is paid by the friends of mardito.  registered in the dti  4526 in series of 2008. see posters and print ads  for details. and look for dropboxes sa mga paborito nyong shoppingan.